Sabado, Oktubre 10, 2015

Sa disyerto ng kawalan

SA DISYERTO NG KAWALAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

bagamat nag-iisa sa disyerto ng kawalan
ay huwag papayag na basta mabubuwal na lang
ng laksang inhustisya't kabulukan ng lipunan
napupuluputan man ng agiw ng karupukan
naglitawan man ang alikabok ng karukhaan
nadudurog man ng gabok ng kalapastanganan
pagkat makakamtan din ang anumang inaasam
lalo't gintong butil ng pangarap na katarungan

Walang komento: