Huwebes, Oktubre 22, 2015

pahina 2

pahina 2

at sa iyo, binibini, iaalay kong buo
ang pagkatao, pawis, sikap, panahon ko't dugo
upang maging halimbawa ang tapat kong pagsuyo
masalimuot man, pagsinta ko'y di maglalaho

iwing puso'y damhin, dinig mo ba ang bawat pintig
di ba't umaalindayog sa pag-irog ang himig
walang alinlangan, matibay akong nananalig
na kariktan mo't awit lang ang dito'y mananaig

nagmamahal,

greg bituin jr.

Walang komento: