Martes, Setyembre 18, 2012

Pagtatapos ng Migrante


PAGTATAPOS NG MIGRANTE
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

sa pagtatapos ng mag-aaral, may pagdiriwang
mula sa limang araw na leksyon sa karapatan
ng mga migranteng naging biktima ng tanggalan
tumiwasay ang isip sa dagdag na kaalaman
handa nang ipaglaban ang kanilang karapatan
habang nagkakatuwaan, inuman at kantahan
sa bawat tagay, may ngitngit ngunit may katatagan
tila mga mandirigmang handa na sa digmaan

- Setyembre 17, 2012, sa tanggapan ng YCOWA

Walang komento: