Martes, Disyembre 23, 2008

Tula sa tagay 2

TULA SA TAGAY 2
ni greg bituin jr
14 pantig bawat taludtod

Ang bote'y di kayang butasin baka masugat
Dahil ang kanyang daliri'y baka magkalamat
Habang siya'y tumatagay, nagpapakabundat
Siya lang ang maestro nito, hindi ang lahat

- sinulat habang nakikipag-inuman sa BFHAI, Angono, Rizal

Tula sa tagay 1

TULA SA TAGAY 1
ni greg bituin jr
10 pantig bawat taludtod

Ginebra San Miguel ay kaysarap
Sabi ng kasamang nangangarap
Habang siya'y may inaapuhap
Ang nadampot niya ay apahap

- sinulat habang nakikipag-inuman sa BFHAI, Angono, Rizal