Miyerkules, Mayo 14, 2008

Kapag Nabuntis ang Tula

KAPAG NABUNTIS ANG TULA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(10 pantig bawat taludtod)

O, nabubuntis din itong tula
Kapag nagtalik ang pluma't diwa
Kaya magsisilang ang makata
Ng obra-maestra niyang likha
Para sa sinisinta't sa madla